^

Probinsiya

Lola lasog sa motorsiklo ng lolo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BACACAY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng 69-Anyos na lola matapos mabangga ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy.Bongga ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa Ziga Memorial District Hospital sa Ta­baco City ay kinilalang si Maximina Baroma Bolaños, residente ng Purok-5, Brgy. Bongga ng nasabing bayan.

Sumuko naman ang rider na si Mario Buban Boncodin, 65, residente rin ng natu­rang barangay.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga ay patawid ang biktima sa highway nang aksidenteng mabangga nang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Boncodin.

Sa lakas nang pag­kabangga ay tumilapon ang biktima ng ilang metro na mabilis na sinaklolohan ng mga residente at isinugod ang walang malay na biktima sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

LOLA

LOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with