^

Probinsiya

Babae nagdasal sa tuktok ng bundok, natagpuang patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Babae nagdasal sa tuktok ng bundok, natagpuang patay
Kinilala ang biktima na si Ma. Sofia Olaguir, 47, ng Sitio Mangitngit Brgy. Sandayong Norte, Danao City.
STAR/ File

Para makapasa sa licensure exam

MANILA, Philippines — Isang babae na umakyat ng bundok at nagdasal na makapasa sa Licensure Exam for Teachers (LET) ang natagpuang patay noong Linggo sa Danao City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Ma. Sofia Olaguir, 47, ng Sitio Mangitngit Brgy. Sandayong Norte, Danao City.

Ayon kay Cpl. Mark Anthony Manulat, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-9 ng umaga sa pababang bahagi ng bundok sa Sitio Manghilao, Brgy. Mabasa, Danao City.

Nabatid na unang inireport na nawawala ang biktima nang hindi nakauwi matapos na umakyat sa bundok noong Setyembre 30 upang magdasal at hili­ngin sa milagrosong Holy Cross na makapasa sa nasabing licensure exam ang anak.

Linggo ng umaga nang magsagawa ang Danao City Disaster Risk Reduction and Management ng search and rescue operation.

Sinabi pa ni Manulat, nakarating pa sa tuktok ng bundok si Olaguir at mag-isang bumaba bagama’t maulan at madulas ang daan.

Tinitignan ngayon  ng pulisya ang dalawang anggulo sa pagkamatay ni Olaguir na posibleng nadulas ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan o pinatay dahil nawawala ang dala nitong cellphone. Nakitaan din ng mga sugat sa mukha ang biktima na nakasuot ng hoodie jacket.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ng biktima para mabatid ang sanhi ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

LET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with