^

Probinsiya

Pagawaan ng bomba ng BIFF, sinalakay ng militar

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng militar ang isang barung-barong na umano’y nagsisilbing pagawaan ng mga bomba ng te­roristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Sa report na tinanggap ni Colonel Oriel Pangcog, commander ng Army’s 601st Infantry Brigade na nakabase sa Ampatuan, Maguindanao, nilusob ng tropa ng pamahalaan nitong Lunes ang mga barung-ba­rong kung saan nakuha ang mga improvised bomb, kemikal, gamit ng mga terorista at mga dokumento na may dugo sa Brgy. Inaladan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Ayon kay Pangcog, ang mga nakitang dugo ay indikasyon na may mga sugatang BIFF members na nag-o-operate sa lugar simula nang isagawa ng militar ang kanilang clearing operations noong Biyernes.

Tinutugis ngayon ng militar at pulisya ang grupo nina Commander Ysa Ganoy, Abdulkarim Hashim alyas “Boy Jacket”, Ben Harris at Emarudin Kulay, pawang mga field commander ng BIFF na naabutan pa umano nilang gumagawa ng mga bomba subalit mabilis nagsipulasan.

Sinabi ni Pangcog na ang mga dokumentong narekober ng mga sundalo ay isang senyales na seryoso ang teroristang grupo sa kanilang pa­nanabotahe sa prose­song pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with