^

Probinsiya

2 suspek sa pag-ambush sa abogado ng Cebu Port, kinasuhan na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kaso sa Mandaue City Police Office (MCPO) ang dalawang suspek na tumambang sa abogado ng Cebu Port Authority (CPA) at anak nito sa nasabing lungsod nitong Setyembre 1.

Ayon kay Mandaue City Police Office (MCPO) deputy city director for operations Police Lieutenant Colonel Franc Rudolf Oriol, naisampa na nila sa piskalya ang tig-dalawang bilang ng kasong frustrated murder laban sa swimming instructor na si Richard Basalo Delibo, 42, residente ng Sitio Mahogany sa Naga, Cebu at kasabwat nitong hindi pa nakikilala.

Sa tulong ng CCTV, natukoy ang mga suspek bukod pa sa salaysay ng mga nakasaksi sa krimen.

Sinabi ni Oriol na paghihiganti ang motibo ng suspek nang tangkain nilang itumba si Atty. Karen Quinañola-Gonzales, 43, kasama ang 19-anyos nitong anak habang bumabagtas ang mga ito sa kahabaan ng Hernan Cortes St., Barangay Banilad bandang alas-9:00 ng gabi.

Nagalit ito nang maisyuhan siya ng arrest warrant sa estafa case na hawak ni Gonzales.

Nadakip siya sa Metro Manila noong na­karaang taon pero agad nakalaya dahil sa piyansa.

Dahil dito, naapektuhan ang kanyang trabaho pati ang negosyo niya sa swimming classes at wellness training.

vuukle comment

AMBUSH

CPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with