^

Probinsiya

Tirador ng simbahan sa Bulacan, timbog

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang miyembro ng kilabot na “Akyat Bahay Gang” na responsable rin sa serye ng nakawan sa Simbahang Katolika sa siyudad ng San Jose del Monte, kamakalawa ng madaling araw.

Sa report ni PCol. Relly Arnedo, officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), nakilala ang suspek na si Samuel Lorenzana, residente ng Brgy. Fatima 3, City of San Jose Del Monte.

Sa inisyal na imbestigasyon, una umanong pinasok at ninakawan ni Lorenzana ang Cross Over Christian Ministry Church sa Brgy. Sto. Cristo bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Ang suspek ay nadakip sa follow-up operation ng SJDM Police kung saan positibo itong itinuro ng isang nagpakilalang “Pastor Tagulao” na siyang nanloob umano sa kanilang simbahan at tumangay ng kanyang laptop, tablet at cellphone.

Ayon sa pulisya, si Lorenzana at ang iba pang kasamahan ay miyembro ng “Akyat Bahay Gang” at sinasabing responsable rin sa panloloob at pagnanakaw sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa Brgy. Mulawin.

Bukod dito, sila rin ang mga suspek sa serye ng nakawan sa mga kabahayan sa nasabing lugar.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with