^

Probinsiya

Buy-bust nauwi sa shootout: Mag-utol na ‘tulak’ sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kapwa sugatan ang magkapatid na drug suspect matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa isi­nagawang drug bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malagasang 2-D, Imus City.

Kasalukuyan ngayong inoobserbahan sa pagamutan ang mga suspek na nakilalang sina Riuz Tabing Alfiler, 57-anyos at kapatid na si Aladin, 56, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na report mula kay P/Sergeant Mark Joseph Jader, may hawak ng kaso, alas-11:00 ng gabi nang ilatag ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Imus City Police ang buy-bust operation kung saan target ang magkapatid.

Habang isinasagawa umano ang drug deal, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kung kaya dito na sila bumunot ng baril at paputukan ang mga pulis na nauwi sa engkuwentro.

Kapwa duguang bumulagta ang mga suspek na agad ring naitakbo sa pagamutan.

Narekober sa mga suspek ang 4-plastic sachet ng shabu na may timbang na 4.30 gramo, buy-bust money at isang caliber 38 revolver na kargado ng mga bala.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with