^

Probinsiya

2 kelot itinumba ng nakamotorsiklong gunman

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 kelot itinumba ng nakamotorsiklong gunman
Ayon sa ulat, nagla­lakad ang biktimang si Marvin Tejada sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Palahanan 2, San Juan, Batangas nang lapitan ng suspek na sakay ng motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ng mara­ming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinasawi.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na naiulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng mga nakamotorsiklong suspek sa Batangas at Quezon.

Ayon sa ulat, nagla­lakad ang biktimang si Marvin Tejada sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Palahanan 2, San Juan, Batangas nang lapitan ng suspek na sakay ng motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril ng mara­ming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinasawi.

Sa lalawigan naman ng Quezon, naglalakad ang biktimang si Edison Dignos patungo sa kanyang farm para mamutol ng dahon ng Buli nang lapitan ng isang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Pugon, San Francisco at pagbabarilin.

Nadala pa sa ospi­tal si Dignos, subalit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya sa dalawang insidente ng pamamaril upang makilala ang mga suspek at motibo ng mga ito.

vuukle comment

GUNMAN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with