444 ‘wanted’ arestado sa 1-araw na police ops sa Calabarzon
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 444 katao kabilang ang mga wanted persons ang naaresto sa isang araw na “One Time Big Time” na operasyon ng mga awtoridad sa Calabarzon region.
Ayon kay Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, Calabarzon police director, kabilang sa mga nalambat ay may mga warrant of arrests, 125 dito ang nakatalang Most Wanted Persons na binubuo ng 14 Regional Level, 23 Provincial Level; at 88 City/Municipal Level.
Sa nalalabing 319 na nadakip ay may mga warrant of arrests dahil sa mga kinakaharap na kasong Homicide, Rape, Murder at paglabag sa Republic Act No. 9165.
Dahil sa pagkakadakip ng mga wanted persons, sinabi ni Nartatez na mas magiging panatag at ligtas ang mamamayan sa rehiyon.
Pinuri ni Nartatez ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga wanted persons. Ang Rizal Police Provincial Office ay nagpakita ng magandang trabaho dahil sa pagkakadakip sa kabuuang 147 wanted persons, habang nanguna ang Quezon Police Provincial Office pagdating sa percentage, at bilang ng standing warrants versus numero ng mga naaresto.
- Latest