^

Probinsiya

‘Tulak’ pumalag sa aresto, 2 pulis pinagsasaksak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� pumalag sa aresto, 2 pulis pinagsasaksak
Nasa mabuti nang kalagayan at nagpapagaling sa ospital ang mga pulis na kinilalang sina Senior Master Sgt. Allan Saba at Corporal Dexter Enoerga.
STAR/File

TABACO CITY, Albay, Philippines — Sugatang isinugod sa pagamutan ang dalawang pulis matapos saksakin nang aarestuhing drug pusher sa ginawang buy-bust ope­ration sa Purok 3, Brgy.Tayhi ng lungsod na ito, kamakalawa ng umaga.

Nasa mabuti nang kalagayan at nagpapagaling sa ospital ang mga pulis na kinilalang sina Senior Master Sgt. Allan Saba at Corporal Dexter Enoerga.

Kalaboso at nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang suspek na si Eric “Boy” Ebuenga Palomer, 35-anyos, residente ng Brgy. San Lorenzo, Tabaco City, Albay.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:18 ng umaga, inilatag ng mga kasapi ng Drug Enforcement Unit ng Tabaco City Police ang buy-bust operation laban kay Palomer.

Gayunman, nang aa­restuhin na ang suspek makaraang iabot nito sa poseur buyer ang biniling droga ay bumunot umano ng balisong at ilang beses na inundayan ng saksak sa katawan si Enoerga. Nang si Saba naman ang lumapit ay sinaksak din ng suspek na tinamaan sa kanyang sentido.

Kahit sugatan ang mga pulis, matagumpay nilang nadis-armahan ang pumapalag na suspek.

Nakuha mula sa suspek ang ilang sachet ng shabu, kalibre 38 baril at balisong na ginamit sa pa­nanaksak sa mga operatiba.

vuukle comment

BUY BUST

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with