^

Probinsiya

Anak ng Negros mayor, 2 pa tiklo sa buy-bust

Gilbert Bayoran - Pilipino Star Ngayon
Anak ng Negros mayor, 2 pa tiklo sa buy-bust
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Chito Atienza, na siyang target sa buy-bust operation; Rosalia Nemenzo; at Nestor Era Jr., anak ni Calatrava Mayor Marilyn Era.
STAR/File

BACOLOD CITY, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang anak na lalaki ng isang mayor sa lalawigan ng Negros Occidental at dalawa nitong kasama sa isang buy-bust operation, ­kamakalawa sa Luzuriaga St., Brgy.6, San Carlos City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Chito Atienza, na siyang target sa buy-bust operation; Rosalia Nemenzo; at Nestor Era Jr., anak ni Calatrava Mayor Marilyn Era.

Ayon kay deputy police chief PLt. Ruby Aurita na si Atienza, 46, na siyang target ng buy-bust ay nakumpiskahan ng sachet na naglalaman ng pinaghihina­laang shabu habang sina Era, 40, at Nemenzo, 60, ay drug user umano.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng pinaghihina­laang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Nabatid pa na ang sachet ng pinaghihinalaang shabu ay narekober kay Era, ang dalawang suspected sachets shabu, isang rolled aluminium foil at flashlight ay nakuha naman kay Nemenzo.

Habang ang 10 sachet ng pinaghihina­laang shabu at mga paraphernalia at P600 marked money ay nakuha rin kay Atienza.

Sina Era at Nemenzo ay naaresto sa bahay ni Atienza habang guma­gamit ng shabu.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with