^

Probinsiya

PNP may ‘person of interest’ na sa pagkasawi ng dalagita sa Bulacan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na may “person of interest” na sila sa pagkamatay ng 15-anyos na si Princess Marie Dumantay sa Bulacan.

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, kinukumpleto na nila ang reklamong isasampa laban sa sinasabing person of interest batay na rin sa testimonya ng saksi na nakakita kay Dumantay noong ­Agosto 10.

Napag-alaman na ang person of interest ay madalas na kasama ng biktima tuwing nagbibisikleta sa Quezon City.

Sa ngayon aniya, hinihintay pa nila ang report ng medico legal upang malaman kung ginahasa rin si Dumantay.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng dalagita sa madamong lugar sa Bustos, Bulacan noong Agosto 12 na tadtad ng paso ng sigarilyo at pasa sa katawan at may palatandaan na binigti ito.

Sumisigaw ng katarungan ang pamilya ng biktima.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with