^

Probinsiya

Terrorist bomb expert bulagta sa engkuwentro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Terrorist bomb expert bulagta sa engkuwentro
Kinilala ni Col. Oriel Pangcog, comman­der ng 601st Brigade, Philippine Army ang napatay na si Khamhed Akam Kambal,alyas Mheds na bomber at bomb expert ng Daulah Islamiyah Hassan Group.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa heigthened alert ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong South Central Mindanao laban sa posibleng resbak ng grupong Dawlah Islamiah matapos na mapatay ang isa nilang miyembro at mahuli ang isa  sa engkuwentro ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ni Col. Oriel Pangcog, comman­der ng 601st Brigade, Philippine Army ang napatay na si Khamhed Akam Kambal,alyas Mheds na bomber at bomb expert ng Daulah Islamiyah Hassan Group.

Nahuli naman ang kasama ni Kambal na si Nasrudin Sali Blah, 22, at residente ng Barangay Tuayan, Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Pangcog, nagresponde ang Joint Task Force Central makaraang makatanggap ng sumbong mula sa mga sibilyan hinggil sa presensiya ng mga armadong grupo na pinamumunuan umano ng isang alyas Alpha King sa Brgy. Dicalu­ngan, Ampatuan, Maguindanao.

Subalit, papasok pa lang ang tropa ng militar sa kuta ng mga te­rorista ay agad umano silang pinaputukan ng grupo ni Kumander Alpha King.

Napilitang gumanti ng putok ang militar at tumagal ang engkuwentro ng halos isang oras at napatay ang suspek.

Mabilis na tumakas ang grupo ni Alpha King at iniwan ang bangkay ni Kambal habang nahuli ang kanyang kasama.

Narekober naman sa kuta ng mga te­rorista ang dalawang improvised explosive devices (IED) mga sangkap sa paggawa ng bomba, isang kalibre .45 na pistola, mga propaganda materials at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with