^

Probinsiya

Dalagang guro nakuryente sa banyo, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Patay ang isang dalagang guro makaraang makuryente sa banyo ng kanilang bahay sa Sitio Lavides, Barangay San Isidro ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ma. Jane Claire Andaya, 22, elementary teacher at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na si Janesa, 19, naligo ang kan­yang ate sa loob ng banyo at nang papalabas na siya bandang alas 3:00 ng hapon ay hinugot nito mula sa pagkakasuksok sa extension ang live wire na may bombilya.

Dahil basa ang kamay ay agad dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kur­yente ito at walang saplot na natumba sa sahig.

Nang makita ang pang­yayari, mabilis na humingi ng saklolo sa ibang mga kaanak si Janesa at agad na dinala sa Dona Martha District Hospital ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga. - Joy Cantos

vuukle comment

JANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with