^

Probinsiya

Mag-utol na paslit patay, lola sugatan sa kawatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na paslit patay, lola sugatan sa kawatan
Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina  Mark, 6 at Marco, 5 habang ginagamot ang lola nilang si Eve­lyn Perez, 64.
PSN/File

MANILA, Philippines — Patay ang magka­pa­tid na paslit habang sugatan ang ka­­nilang lola nang pag­­sasaksakin ng isang magnanakaw na pumasok sa ka­nilang bahay nitong Lunes sa bayan ng Sta Teresita, Cagayan.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina  Mark, 6 at Marco, 5 habang ginagamot ang lola nilang si Eve­lyn Perez, 64.

Agad namang na­aresto ang suspek na si Jerry Maba Genova, tubong Calayan, Caga­yan at dating katiwala sa sakahan ni Perez.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Teresita Police Station, alas-10:40 ng gabi ng Agosto 1, 2022 nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Perez, ma­ta­pos mapatulog ang kanyang dalawang apo ay tinignan naman niya ang lock ng mga bahay.

Subalit, sa kanyang pagbalik sa kwarto ay napansin niya ang  isang lalaking nakasuot ng itim na bonet at may hawak na kutsilyo.

Agad siyang pinagsasaksak nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan at itinali ang kamay gamit ang cellphone chord at tela naman sa kanyang mga paa.

Dito na niya sinu­nod na pinagsasaksak ang kawawang paslit saka nilimas ang personal na ga­mit, pera at mga alahas.

Sinampahan na ng kasong robbery with 2 counts of homicide; robbery frustrated homicide, direct assault; resistance and disobedience upon person in authority ang suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with