^

Probinsiya

9 magkaanak sa Cebu nalason sa kinaing butete; 1 todas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang ginang ang patay habang isinugod naman sa ospital ang walong iba pa matapos  malason sa kinaing pufferfish o butete sa Caubian Island, Lapu-Lapu City nitong Miyerkules.

Bukod sa nasawing ginang, nalason din ang kanyang mister, 4 na anak at 3 apo na may edad 4, 5, at 9-anyos.

Stable naman ang kondisyon ng 8 pas­yente ngunit kailangan umano muna silang obserbahan sa loob ng 24 oras.

Ayon sa medical officer ng Sta. Rosa Community Hospital sa Olango Island na si Dr. Eris Augusto, Miyerkules ng umaga nang kumain ang mag-anak ng butete.

Nakaramdam na lang sila ng panghihina ng katawan at pagkahilo bandang tanghali, partikular na ang ginang na kumain ng lamang loob ng isda.

Paalala ni Augusto sa publiko, iwasan ang pagkain ng butete dahil sa taglay nitong lason.

vuukle comment

ERIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with