2,492 aftershocks naitala matapos ang M7.0 Luzon quake
MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 2,492 aftershocks ang naitala sa nagdaang magnitude 7.0 na lindol na matinding nakaapekto sa lalawigan ng Abra at iba pang lalawigan sa Luzon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula sa dating 2,018 aftershocks noong nagdaang araw ng Lunes August 1 ay tumaas pa ito sa 2,492 kahapon.
Ayon sa Phivolcs sa 2,492 aftershocks, ang 840 aftershocks dito ay recorded habang ang 59 aftershocks ay naramdaman. Ang aftershocks ay nakapagtala ng mula 1.4 hanggang 5.1 magnitude.
Magugunitang sa naturang lindol, 10 ang namatay at sumentro ang matinding epekto sa lalawigan ng Abra noong nagdaang July 27.
- Latest