^

Probinsiya

Ex-mayor ng Lamitan na napatay sa Ateneo, inilibing na

Doris Franche, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Ex-mayor ng Lamitan na napatay sa Ateneo, inilibing na
Daan-daang katao ang dumalo kahapon sa paghahatid sa huling hantu­ngan sa Basilan kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay na napaslang sa naganap na Ateneo shooting noong Hulyo 24 sa Quezon City.
Station DXNO-Isabela City, Basilan

COTABATO CITY, Philippines — Daan-daang katao at tagasuporta ng napas­lang sa pamamaril sa Ateneo de Manila University (AdMU) na si da­ting Lamitan City Mayor Rosita “Rose” Furigay ang nakiisa sa paghahatid sa kanyang huling hantungan sa Basilan, kahapon.

Ayon sa personnel ng Lamitan City Health Office sa mga mamamahayag, daan-daan pa sana ang nais sumama sa burial rites ni Furigay subalit ipinagbawal na rin ng lokal na pamahalaan ang pagdagsa ng mga tao dahil sa ipinatutupad na COVID-19 protocols.

Nabatid na kabilang sa mga dumalo sa pag­lilibing kay Furigay ang mga opisyal ng Basilan Provincial Police Office, local executives mula sa mga probinsya at mga kinatawan ng militar at iba’t ibang law enforcement agencies.

Si Furigay, kung saan nagtapos ang ikatlo at huling termino nito bilang alkalde sa Lamitan noong Hunyo 30, 2022,  napatay ng suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol sa pag-atake nito sa AdMU sa Quezon City noong Hulyo 24. Kasama pa sa napatay sa pamamaril ang aide ng alkalde na si Victor Capistrano at ang rumespondeng security guard ng AdMU na si Jeneven Bandiala. Nasugatan naman sa pamamaril ang anak ni Furigay na si Hannah na dadalo sana sa kanyang graduation ceremonies sa Admu School of Law ng araw na maganap ang insidente.

Dahil sa maligim na insidente, kinansela ng AdMU ang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School na naka-iskedyul sana noong Hulyo 24.

Si Yumol na agad naaresto ay nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong kriminal dahil sa insidente.

Unang tinukoy ni Yumol na matinding galit ang nag-udyok sa kanya na magawa ang krimen ay dahil na rin aniya sa dinanas nitong sobrang panggigipit ng pamilya Furigay na humantong sa pagpaplano nitong patayin ang alkalde.

Sinabi ni Yumol na ilang beses siyang tinangkang patayin at nakaligtas sa mga pananambang at itinuturo pa nito si Furigay na drug lord o sangkot sa droga.

Agad namang pina­bulaanan ng kampo ng mga Furigay ang mga akusasyon ni Yumol.

Lumalabas na patung-patong na kasong cyber libel ang ikinaso kay Yumol ni Furigay dahil sa serye ng pag-atake nito sa social media.

Kasunod ng pamamaril sa Ateneo, pinatay naman ang ama ni Yumol na si Master Sgt. Rolando Yumol, 69-anyos, retired Philippine Constabulary, sa tapat mismo ng kanyang tindahan sa Brgy. Maligaya, Lamitan City noong Hulyo 29 ng umaga.

Wala pang malinaw sa isinagawang imbestigasyon ng Philippine National Police kung “rido” o may kaugnayan ang pagpatay sa nakatatandang Yumol sa naganap na pamamaslang naman ng anak nito sa dating alkalde ng Lamitan.

vuukle comment

LAMITAN CITY

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with