^

Probinsiya

Cement mixer bumagsak:15-anyos nalibing nang buhay, 2 pa malubha

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Cement mixer bumagsak:15-anyos nalibing nang buhay, 2 pa malubha
Ayon sa report ng Benguet Police, ang concrete mixer truck na minamaneho ng isang 22-anyos na lalaki ay magdidiskarga sana ng halong konkreto at semento sa lugar nang bumigay ang lupa kung saan nakahimpil ang mixer.
Miguel de Guzman / File

BAGUIO CITY, Philippines — Patay ang 15-anyos na obrero habang dalawa pang kasamahang menor-de-edad ang malubhang nasugatan matapos mabagsakan ng isang cement mixer habang abala sila sa trabaho sa Sitio Payda, Bayabas, Sablan, Benguet kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na isa ring high school student ay idineklarang dead-on-the-spot sa insidente na naganap dakong alas-4:30 ng hapon sa isang ginagawang pader sa gilid ng Sitio Payda.

Nilalapatan naman ng lunas sa Baguio Ge­neral Hospital and Medical Center (BGHMC) ang dalawa pang obrero na 16 at 17-anyos.

Ayon sa report ng Benguet Police, ang concrete mixer truck na minamaneho ng isang 22-anyos na lalaki ay magdidiskarga sana ng halong konkreto at semento sa lugar nang bumigay ang lupa kung saan nakahimpil ang mixer.

Dahil dito, ang malaki at mabigat na makina ay biglang bumagsak at tumama naman ito sa 15-anyos na obrero sanhi upang malibing sa putik at bato mula sa mixer habang ang dalawa ay natabunan ng gumuhong lupa.

Rumesponde sa lu­gar ang mga rescuers su­balit nahirapan sila sa pagrekober sa katawan ng 15-anyos habang agad na isinugod sa ospital ang dalawa nang makuha mula sa gumuhong lupa.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with