^

Probinsiya

8 patay sa pag-araro ng dump truck

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
8 patay sa pag-araro ng dump truck
Tulung-tulong ang mga tauhan ng BFP, rescue team at PNP sa paghahakot ng buhangin mula sa tumagilid na dump truck na ikinamatay ng walong katao sa Nasugbu Batangas Lunes ng madaling araw.
Nasugbu PNP

Batangas, Philippines — Walo katao ang patay matapos araruhin ng rumaragasang dump truck ang isang motorsiklo at kotse sa highway ng Nasugbu Lunes ng umaga.

Kinilala ng Batangas Police ang mga nasawing biktima na sina Eduard Ferrer, driver ng isang motorsiklo at Hipolito Sangalang, ang driver naman ng isang kotse na inararo ng truck.

Kabilang din sa mga nasawi ang mga sakay sa kotse ni Sangalang na sina Amado Santos, 53, Evelyn Santos, 56, Jerson Santos, 26, Jayvee Santos, 24 Cathe­rine Ampo, 24 at isang 4 na buwang babaeng sanggol.

Batay sa report, bina­bagtas ng dump truck na minamaneho ni Bren Bryan Cons­tantino ang palusong na bahagi ng highway sakop ng Sitio Lodlod, Barangay Aga nang mawalan ito ng kontrol matapos na mag-overtake dakong alas-4:45 ng umaga.

Sa isinagawang imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang truck na kargado ng buhangin na patungo sa direksyon ng Nasugbu galing sa Mexico, Pampanga.

Sinagasa rin nito ang isang fruit stand na nasa gilid ng kalsada bago nito madaganan ang motorsiklo at kotse na kasalubong nito sa highway.

Bahagyang nasugatan din ang driver ng cargo truck at ang dalawang pahinante nito.

Batay sa tala ng Nasugbu Police, mula noong 2017, hindi bababa sa 15 katao na ang nasasawi sa mga nangyaring aksidente sa nasabing lugar partikular, sa mga Sitio ng Bukaki, Bayabasan at Lodlod, sakop lahat ng Barangay Aga. - Joy Cantos

vuukle comment

ACCIDENT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with