^

Probinsiya

Lalaki na-bully na, tinepok pa sa suntok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang patay nang suntukin ng umano’y nam-bully sa kanya sa Rodriguez, Rizal ­kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Infirmary Medical Clinic ang biktimang nakilala lang na si Roberto Wycoco ngunit binawian din ng buhay.

Arestado naman ang suspek na si Rosendo Quebada Jr.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-5:30 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa Block 29, Montalban Heights, Brgy. San Jose, Rodriguez.

Nauna rito, binully umano ng suspek ang biktima na nauwi sa kanilang mainitang pagtatalo.

Tinangka pa umanong umiwas ng biktima ngunit sinundan pa ng suspek.

Nang maabutan, dalawang beses pang sinuntok ng suspek ang biktima na tinamaan sa ulo sanhi upang mawalan ng ­balanse kung kaya’t nabuwal at nabagok.

Isinugod pa ng mga kapitbahay ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara ng sumuring doktor na dead-on-arrival.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with