^

Probinsiya

Farm ni-raid sa Batangas: Mga baril, granada samsam

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

Batangas, Philippines — Sari-saring mga baril at granada ang nakumpiska ng pu­lisya sa isinagawang raid sa isang farm na hinihinalang pinagtataguan ng isang miyembro ng gun-for-hire sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito no­ong Sabado ng umaga.

Ayon kay P/Col. Gli­cerio C Cansilao, provincial director ng Batangas Police, naghain ng search warrant ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit, Drug Enforcement Unit, Provincial Mobile Force Company at Special Weapon and Tactics sa bahay ng suspek na si Jay R Urmenita Bas, 37, sa isang farm sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, San Juan, bandang alas-10:20 ng umaga.

Ang search warrant ay inilabas ni Presiding­ Judge Rosemarie Ma­nalang-Austria, ng Regional Trial Court- Branch 87 sa Rosario, Batangas noong Hulyo 14, 2022.

Bagama’t hindi nadatnan ng mga operatiba si Bas, narekober naman sa bahay nito ang isang Cal. 5.56 rifle Colt, dalawang Cal. 9mm pistol, isang Armscor Cal. 40 pistol, mga magazine at bala ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga pampasabog tulad ng rifle grenade na may tracing bullet, MK2 hand grenade fragmentation, M26A2 hand grenade fragmentation, at iba pang kagamitan.

Ayon sa police report, ang suspek ay miyembro ng “Eleazar Rocio Cri­minal Group” na sangkot umano sa gun-for-hire activity at illegal gambling na nag-o-operate sa 4th District ng Batangas.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with