^

Probinsiya

Pulis patay sa ambush

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Pulis patay sa ambush
Kinilala ang nasa­wing si Police Corporal Marnix Baquiran, residente ng Barangay Kamasi, Peñablanca sa lalawigan ng Cagayan at nakatalaga sa Reina Mercedez police station, Isabela.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagpatay sa isang pulis na tinadtad ng bala sa bahagi ng Bypass Road ng Barangay Ugad sa bayan ng Cabagan kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing si Police Corporal Marnix Baquiran, residente ng Barangay Kamasi, Peñablanca sa lalawigan ng Cagayan at nakatalaga sa Reina Mercedez police station, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang tawag umano mula sa isang residente ang natanggap ng PNP-Cabagan kaugnay sa pamamaril sa isang sasakyan sa Bypass road ng Barangay Ugad, alas 8:30 ng umaga.

Nang respondehan ng pulisya ang lugar ay nakita ang isang kulay silver na Toyota Fortuner (BBZ 3250) na tadtad ng bala ng baril at natagpuan ang wala ng buhay na biktima na nagtamo rin ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Napag-alaman na galing sa Peñablanca, Cagayan ang biktima at pabalik na sana sa Reina Mercedez-PNP nang maganap ang pag-ambush dito.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ang pulisya para sa posibleng pagkakilanlan sa mga suspek habang ­inaalam din ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

AMBUSH

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with