^

Probinsiya

Barangay chairman inambus ng tandem, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman inambus ng tandem, patay!
Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, ang bik­tima ay pauwi na sa kanilang tahanan galing sa birthday party lulan ng kaniyang pickup (ABJ-5205) nang harangin ito sa daan ng dalawang lalaki na nakatayo sa tabi ng kalsada.
STAR/ File

Pagkagaling sa birthday party

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang lalaki ilang oras matapos itong dumalo sa isang birthday party sa San Miguel, Bu­lacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, hepe ng Bulacan Police ang nasa­wing biktima na si Marvin Avendaño, 48-anyos, tserman ng Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, ang bik­tima ay pauwi na sa kanilang tahanan galing sa birthday party lulan ng kaniyang pickup (ABJ-5205) nang harangin ito sa daan ng dalawang lalaki na nakatayo sa tabi ng kalsada.

Agad na pinagbabaril ng mga suspect ang biktima na napuruhan ng tama ng bala sa leeg at dibdib na siyang agaran nitong ikinasawi.

Matapos tamaan ng mga bala, tuluy-tuloy pang sumalpok ang behikulo ng biktima sa isang poste sa tabing kalsada.

Ang mga salarin ay mabilis na nagsitakas matapos ang insidente na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

vuukle comment

CHARLIE CABRADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with