^

Probinsiya

Dalagita pumalag sa rape, pinagsasaksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dalagita pumalag sa rape, pinagsasaksak
Sa report ng Quezon Police, ang biktimang itinago sa pa­ngalang Sandra ay pa­tuloy na nilalapatan ng lunas sa Saint Peter Hospital sa Calauag, Quezon sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 15-anyos na dalagita makaraang pagsasaksakin ng rapist na nagtangkang humalay dito nang puma­lag ang biktima sa Brgy. Bagong Silang 1, Guinayangan, Quezon nitong Biyernes.

Sa report ng Quezon Police, ang biktimang itinago sa pa­ngalang Sandra ay pa­tuloy na nilalapatan ng lunas sa Saint Peter Hospital sa Calauag, Quezon sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Base sa imbestigas­yon ng pulisya, nangyari ang insidente sa Brgy. Bagong Silang 1, Guina­yangan ng lalawigang ito bandang alas-12:20 ng madaling araw pero hapon na ng maiulat sa pulisya.

Ayon sa pamilya ng biktima, kasalukuyang natutulog si Sandra sa loob ng kaniyang silid ng maalimpungatan ito nang maramdamang may humihimas sa kaniyang binti.

Pagdilat ng mga mata ng biktima ay la­king gulat nito nang makita ang suspect na kinilalang si Darwin Arellano agad naman itong tinutukan ng matalim na kutsilyo sa leeg sabay sabing huwag sisigaw at huwag ding manlalaban kung saan binantaan ang biktima na gigilitan umano ng leeg.

Pinahawakan uma­no ng rapist ang kaniyang ari sa biktima kung saan tuluyan na sana itong hahalayin pero sinipa ito sa tiyan ng dalagita.

Dahilan napurnada ang buhong na suspect ay nagalit ito at pinasasaksak ang dalagita saka mabilis na tumakas. Ang dalagita ay agad namang isinugod sa pagamutan ng kaniyang pamilya.

Nasakote naman ang suspect sa isina­gawang follow-up ope­ration ng mga awto­ridad na ngayo’y kasalukuyan nakapiit at nahaharap sa kasong attempted rape with frustrated homicide.

vuukle comment

PETER HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with