^

Probinsiya

Welder natagpuang lumulutang sa ilog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

BONGABON, Nueva Ecija, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang lumulutang sa isang ilog sa Barangay Santor ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa Bongabon Police, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Marvin Peralta, 28, may-asawa, isang welder ng nasabing lugar ng kanyang ka-barangay na si Allan Bano, 39, isang negosyante.

Nabatid sa ulat na bandang alas-7:30 ng umaga ng Biyernes habang patungo umano si Bano sa kanyang piggery ay nakita nito ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa nasabing ilog doon.

Agad naman itong itinawag sa pulisya ni Bano at agad na tinungo ng pulisya at dinala sa pampang.

Lumalabas na may sugat sa may bahaging kanang kilay at kaliwang tenga ang biktima dahil sa dugong nanggaling dito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

BONGABON POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with