Ginang na ayaw magpakasal, pinatay sa sakal
MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na ginang ang pinatay sa sakal ng kanyang lover matapos na hindi nito itinuloy ang kanilang pagpapakasal naganap sa Davao del Sur.
Kinilala ang suspek na si Maliry Bitil Gumanan, 35-anyos, residente ng bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur.
Lumabas sa imbestigasyon ng Davao Police Office na natagpuang patay ang biktimang si Joan Balabagan Lintang sa loob ng banyo sa isang inn sa kahabaan ng C.M. Recto sa Barangay 35-D noong Hunyo 26.
Sinabi ng mga otoridad na nag-check-in ang mag-asawa sa inn bandang alas-12 ng tanghali, gayunpaman, nagkaroon ng away ang mga ito matapos ipagpaliban ng biktima ang kanilang kasal.
Sinakal ni Gumanan si Lintang hanggang sa mamatay pagkatapos ay itinago ang katawan ng biktima sa loob ng banyo bago tumakas sa pinangyarihan ng krimen.
Dahil sa konsensya, sumuko ang suspek sa Magsaysay Municipal Police Station (MMPS) at kinasuhan ng murder.
- Latest