^

Probinsiya

Fluvial parade sa Pampanga nauwi sa trahedya: 2 patay!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Sinasakyang bangka sumabit sa kuryente

MANILA, Philippines — Trahedya ang na­ging resulta sa muling pagsasagawa ng fluvial parade sa Apalit, Pampanga nitong Martes kung saan dalawang deboto ang namatay habang dalawa ang sugatan matapos ma­kuryente sa sinasak­yang bangka.

Ayon kay Apalit acting police chief Lt. Col. Jose Chalmar Gundaya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Ilang deboto ang sakay ng mga bangka sa parada sa ilog nang aksidenteng tumama ang pole ng kanilang banderitas sa grid line.

“May mataas na flagpole, parang pinagsabitan ng flag, yung isang bangka natin na umabot doon sa gilid na nasa kuryente sila sa grid line natin.

Parang nalipat po yung kuryente dun sa bakal na lalagyan nung flag nila, eh yung mga tao basa rin po, at yung pole diretso sa bangka basa sila lahat, yun po ang nag-cause ng pagkakuryente ng ating mga pasahero,” ani Gundaya.

Anim ang kaagad na isinugod sa ospital. Ang dalawa ay dead on arrival habang dalawa ang sugatan.

Libu-libong mga deboto ang dumagsa sa ika-177 taon ng fluvial parade o “Libad Ilug” ng Apung Iru lalo pa at 2 taon itong ipinatigil dahil sa banta ng COVID-19.

Ngayong taon, nasa 2,000 bangka ang su­mali sa parada.

vuukle comment

KURYENTE

PARADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with