^

Probinsiya

Suspek sa ex-Gov. Espino ambush, natimbog sa Pampanga

Ramon Efren Lazaro - Pilipino Star Ngayon

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines — Isang dating sundalo na kabilang sa mga suspek sa pang-aambush at tangkang pagpatay kay da­ting Pangasinan Governor Amado Espino Jr. ang naaresto ng pulisya sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Mawaque, Mabalacat City noong Biyernes.

Sa ulat na tinanggap ni Col. Alvin Ruby Consolacion, acting police director ng Pampanga, kinilala ang nadakip na suspek na si alias Ranger/Win, 34, binata, isang dating ex-Army Ranger, at tubong Barangay Caturay Sur, Mangatarem, Pangasinan.

Ang suspek na nakatala bilang miyembro ng “Sison Group” sa Pangasinan at “potential private armed group” ay nalambat sa bisa ng warrant of arrests sa 2-counts of murder, attempted murder at frustrated murder na inisyu ni Magnolia Cayetano, presiding judge ng RTC, 1st JR, Branch 56, San Carlos City, Pangasinan noong Pebrero 15, 2021, at walang kaukulang piyansa na inirekomenda sa kasong double murder.

Ayon kay Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat City Police, lumalabas sa imbestigasyon na isa ang suspek sa mga akusado sa pananambang at pamamaril kay dating Gov. Espino Jr. at kanyang mga escort noong Setyembre 11, 2019 dakong alas-4:30 ng hapon sa boundary ng Barangay Ilang at Barangay Magtaking sa San Carlos City, Pangasinan, na nagresulta sa pagkamatay nina P/Staff Sgt. Richard Esguerra at Agapito Cuison habang nasugatan sina P/Staff Sgt. Jayson Malsi, Kevin Marfori at Anthony Columbino,

Sinabi ni Bruno na ang suspek ay kabilang sa listahan ng DILG National MWPs (most wanted persons) sa ilalim ng DILG MC No. 2021-120, na may petsang Oktubre 20, 2021 at may patong sa ulo na P405,000.00. Siya ay nadakip ng combined operatives ng Mabalacat City Police Station, Pampanga Provincial Police Office, Pangasinan Criminal Investigation Detection Group, Pangasinan Police Intelligence, at AVSEU 1 Lingayen Airport.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with