^

Probinsiya

Inalok na umangkas sa motor sa party 13-anyos ginahasa, kinatay ng kapitbahay!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Inalok na umangkas sa motor sa party 13-anyos ginahasa, kinatay ng kapitbahay!
Tadtad ng mga saksak sa katawan at ulo ang tinamo ng biktimang nakilala lang sa alyas “Grace” na nakitang nakadapa sa sagingan sa Brgy. Kadingilan, Banisilan, Cotabato City.
File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng 13-anyos na dalagita matapos gahasain at pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na nag-alok na umangkas sa kanyang motorsiklo sa birthday party nitong Linggo ng madaling araw sa Banisilan, Cotabato City.

Tadtad ng mga saksak sa katawan at ulo ang tinamo ng biktimang nakilala lang sa alyas “Grace” na nakitang nakadapa sa sagingan sa Brgy. Kadingilan, Banisilan, Cotabato City.

Agad namang nadakip ang suspek na si alyas “Reniel Cute Boy”, residente ng Brgy. Puting Bato, Banisilan, Cotabato.

Batay sa report ng Banisilan Police, bago ang insidente ay dumalo sa isang birthday party sa Brgy. Daraganan ang biktima kasama ang kanyang kapatid at pinsan.

Pero habang papauwi na mula sa party ay nadaanan sila ng suspek at niyayang sumakay sa kanyang motorsiklo subalit tumanggi silang sumakay.

Subalit dahil sa kapitbahay at kakilala naman nila ang suspek, pinagbigyan na ni Grace at mag-isang umangkas sa likod ng suspek.

Gayunman, nangamba na ang pamilya ng biktima dahil gabi na ay hindi pa rin umuuwi. Dito na sila nagpatulong sa barangay at pulisya sa paghahanap.

Hagulgol na lang ang narinig sa pamilya ng biktima nang madiskubre ang bangkay ng biktima na halos hubo’t hubad na sa isang sa­gingan.

Sa hot pursuit ope­ration ng Banisilan Police, naaresto ang suspek sa Bgry. Kadi­ngilan at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

KRIMEN

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with