^

Probinsiya

Anak nagbanta sa magulang, tinaga ni itay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Anak nagbanta sa magulang, tinaga ni itay
Isang malalim na taga sa dibdib ang agad ikinasawi ng biktimang si Wilson Aboque Alemania habang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang tatay niyang si William Dasig Alemania, 55-anyos; pawang residente ng Zone-3, Brgy. Lamon, Goa.
File

GOA, Camarines Sur, Philippines — Patay ang 28 anyos na binata matapos na tagain ng kanyang tatay makaraang pagbantaan nito ang mga magulang bunsod ng kanilang mainitang pagtatalo na nauwi sa malagim na krimen sa Sitio Binisitahan, Brgy. Maysalay ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Isang malalim na taga sa dibdib ang agad ikinasawi ng biktimang si Wilson Aboque Alemania habang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang tatay niyang si William Dasig Alemania, 55-anyos; pawang residente ng Zone-3, Brgy. Lamon, Goa.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay nagtalo ang mag-ama.

Sa gitna ng mainit na pagtatalo ay bumunot ng patalim ang biktima at minura ang kanyang ama sabay sabing papatayin niya ang mga magulang kapag matanda na sila.

Dahil dito, nagpan­ting ang tenga ng tatay kaya binunot naman nito ang nakasukbit na tabak saka tinaga sa dibdib ang anak na duguang humandusay.

Ayon sa suspek, matagal na umano nilang problema ang anak at hindi na siya nakatiis sa masamang ugali nito kaya niya nataga.

Kasong parricide isasampa ng mga pulis laban sa ama na nakapiit.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with