^

Probinsiya

P100 milyong shabu nasamsam, 2 drug traffickers timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P100 milyong shabu nasamsam, 2 drug traffickers timbog
Sa report ni Police Regional Office (PRO) 7 P/Brig. Gen. Roque Eduardo Vega, ito’y bahagi ng pinalakas na anti-drug campaign ng PNP kaugnay ng hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.
STAR/File

Buy-bust ops sa Central Visayas

MANILA, Philippines — Umaabot sa P100-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad habang dalawang hinihinalang bigtime drug traffickers ang naaresto sa serye ng buy-bust operations sa Central Visayas nitong Sabado.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) 7 P/Brig. Gen. Roque Eduardo Vega, ito’y bahagi ng pinalakas na anti-drug campaign ng PNP kaugnay ng hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Sa Lapu-Lapu City, dalawa pinaghihinalaang drug traffickers na kinilalang sina Eric Felisilda, 45, at Niel James Valesquiña ang nasakote kung saan nasa 15 kilo ng shabu ang nasamsam na nagkakahalaga ng P102 milyon. Ang dalawang bigtime drug traffickers ay nasakote ng Lapu-Lapu City Police Office Drug Enforcement Unit sa pamilihang bayan sa Brgy. Poblacion.

Ayon sa pulisya, nasa P1.3-milyon ding halaga ng shabu ang nakumpiska naman sa suspect na si Crisanto Ang Sayre sa buy-bust operation sa Bacong, Negros Oriental.

Samantala sa Talisay City, Cebu, timbog din ang dalawang High Va­lue Target (HVT) na sina John Maverick Gabisay at May Faith Vinculado na nakunan naman ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000.

Nasa P680,000.00 namang halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang drug pushers na sina Rutchen Buglosa, 39 at John Roderick Sollano sa buy-bust operation sa Brgy. Das, Toledo City.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Vega ang kapulisan sa Central Visayas sa matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with