^

Probinsiya

Convenience store sa Bulacan hinoldap: Suspek utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Convenience store sa Bulacan hinoldap: Suspek utas!
Sa report ni P/Col. Charlie Cabradilla, ac­t­ing police director ng Bulacan, kasalukuyan pang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng napatay na suspect.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa dalawang holdaper matapos na kumasa sa mga nagrespondeng operatiba ng pulisya, ilang minuto pagkaraang holdapin ang isang convenience store sa Brgy. San Isidro, Paombong, Bulacan nitong Sabado ng umaga.

Sa report ni P/Col. Charlie Cabradilla, ac­t­ing police director ng Bulacan, kasalukuyan pang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng napatay na suspect.

Nauna rito, sinabi ni Cabradilla na tumawag si Shrelyn Lagman, crew ng Alfamart sa Brgy. San Isidro ng nasabing bayan hinggil sa panghoholdap sa kanilang convenience store ng dalawang armadong holdaper.

Nang dumating ang mga nagrespondeng pulis ay nakita ng mga ito ang dalawang suspect habang papatakas kaya agad ang mga itong hinabol.

Sa halip na sumuko, kumasa umano ang isa sa mga suspect at akmang papuputukan ang mga awtoridad pero pumalya at bumara ang bala pagkalabit nito kaya pinaputukan siya ng mga pulis.

Bumulagta ang hol­daper na nasawi noon din pero nagawang ma­katakas ang kasamahan nito na sumakay sa motorsiklo.

Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng cal 9 MM, isang cal 45 calibre Colt pistol at isang magazine na may anim na bala.

vuukle comment

HOLDAP

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with