^

Probinsiya

Drug den sa Baguio ni-raid: 2 maintainers, 4 kustomer huli

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Sina­lakay ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA at local police ang isang lodge na hinihinalang gi­na­ga­wang drug den na ikinaaresto ng dalawang maintainers nito at apat umanong kustomer sa may Magsaysay Avenue, dito nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PDEA Cordillera director Gil Castro said, ang mga nadakip na suspek na sina Juvylyn Reca Plaza, 36, na residente malapit lang sa naturang drug den; ang kapwa niya therapist na si Mia Jane Noquilla Postre, 29, ng Brgy. Green Valley, Baguio City; mata­derong si Joseph Castano, 48, isang pang massage therapist na si Paterson Anciano Domaino, 23, ng Brgy. Green Valley; gay beautician na si Ismael Galman Dipatuan, 36, ng Sablan, Benguet; at Rodel Sachez Buhay, 23, ng Balsigan, Baguio City.

Ayon kay Castro, nasa 20.4 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 3ml. ng liquid shabu at mga paraphernalia na gamit sa paghithit ng droga ang narekober ng mga awtoridad sa lugar.

Dagdag ni Castro, isi­nagawa ang raid bandang alas-7:15 ng gabi sa naturang lugar matapos na makupirma ang ilegal na aktibidad sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot hanggang sa madiskubre ang drug den.

Hindi pa binanggit ni Castro kung sino sa mga suspek ang dalawa umanong nagsisilbing maintainers at customers sa drug den.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with