^

Probinsiya

Bloodletting project ng Lucena LGU, dinagsa

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Tiyak na maraming matutulungang pasyente o indibiduwal na nanga­ngailangan ng dugo matapos na dumagsa ang nag-donate ng kanilang dugo sa isinagawang bloodletting activity ng lokal na pamahalaan ng Lucena katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) na idinaos sa isang kilalang mall, dito.

Ayon Kay Dr. Maria Armina Perez ng City Health Office (CHO), naging successful ang aktibidad at nitong Huwebes ay nakakolekta sila ng 100 bags na ang bawat isa ay naglalaman ng 250 cc at lumampas pa ito sa target nilang bilang ng mga blood donors.

Sinabi ni Perez na ang pagbibigay ng dugo ay nagpapaganda sa kalusugan ng puso, bu­ma­baba ang risk ng heart disease at heart attack dahil nababawasan ang nakabara sa daluyan ng dugo.

Sa pag-dodonate ani­ya ng dugo ay agad na nai-improve ang overall cardiovascular health dahil nahahatak na bumaba ang dami ng cholesterol upang maprotektahan ang puso sa anumang kakaharaping sakit.

Ipinaliwanag ng manggagamot na ang mga donor sa isinagawang blood letting acti­vity ay napalitan agad ng bagong blood cells ang mga nawalang dugo makalipas na makapahinga at makakain ng masustansya.

Samantala ayon sa Health Psychology, mas humahaba ang buhay ng mga taong nagdo-donate ng dugo dahil sa rami ng mga medical benefits, kagaya ng pagbaba ng oxidative stress sa blood vessels.

vuukle comment

LGU

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with