‘Most wanted’ sa kasong rape, nalambat

ALIAGA, Nueva Ecija, Philippines — Kalaboso ang 35-anyos na lalaki na “most wanted person” sa kasong panggagahasa sa bayang ito makaraang mahuli ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa ikinasang operasyon sa bayang ito.

Kinilala ni P/Col. Jess Mendez, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang naarestong suspek na si Randy Lacanilao, binata ng Barangay La Purisima, Aliaga, Nueva Ecija.

Sa report ng pulisya, ganap na alas-6:30 ng umaga nang arestuhin ang suspek ng Aliaga Police station, Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Highway Patrol Team, (PHPT), 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC) at Regional Mobile Force Battalion 3 (303rd), sa ila­lim ng manhunt Charlie operation sa Barangay La Purisima.

Hindi na nakapalag pa ang suspek makaraang ihain sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 88 ng Sto. Domingo, Nueva Ecija sa kasong panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kala­yaan ng suspek na nga­yo’y nasa custodial facility ng nasabing istasyon ng pulisya. 

Show comments