^

Probinsiya

Obrero, todas sa ligaw na bala

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Obrero, todas sa ligaw na bala
Napuruhan ng tama ng bala sa katawan at nasawi noon din ang biktimang si Jerico Maraño Robrigado,nasa hustong gulang,construction worker at residente ng Zone-5,Brgy.Bariw,Libon.
STAR/ File

LIBON, Albay, Philippines - Nasawi ang isang sibilyan matapos na maipit at tamaan ng ligaw na bala nang magkaengkuwentro ang mga pulis at ilang kasapi ng criminal gang sa Brgy.Bariw ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng tama ng bala sa katawan at nasawi noon din ang biktimang si Jerico Maraño Robrigado,nasa hustong gulang,construction worker at residente ng Zone-5,Brgy.Bariw,Libon.

Sa ulat, alas-3:25 ng madaling araw bitbit ang search warrant mula sa korte dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong baril ay sinalakay ng mga tauhan ng Libon Police,1st Provincial Mobile Force Company,Provincial Intelligence Unit (PIU) Albay at Regional Mobile Force Batallion (RMFB) 5 ang bahay ng suspek na si Edgardo Secretario,na kasapi umano ng Concepcion Criminal Gang.

Matapos na makuhanan ng hindi malamang kalibre ng baril ay inaresto si Secretario at dinala sa police station pero nagpaiwan ang ilang kasapi ng RMFB5 at PIU-Albay para magsagawa ng law enforcement operation laban sa iba pang kasapi ng naturang criminal gang.

Dakong alas-5 ng hapon nang biglang naengkuwentro ng mga nagpaiwang pulis ang ilang armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng nasabing grupo at nagkaroon ng palitan ng putok at dito ay aksidenteng masapol ng ligaw na bala ang biktima na agaran nitong ikinasawi.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with