^

Probinsiya

Kagawad pinasok, binistay ng bala ng 12 NPA rebels

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kagawad pinasok, binistay ng bala ng 12 NPA rebels
Kinilala ng Baleno Police ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Romnick Lauro Drio, 33, may-asawa at kagawad ng Barangay Obongan-Diot ng nasabing bayan.
STAR/ File

ALENO, Masbate, Philippines — Patay agad ang isang barangay kagawad nang lusubin at tadtarin ng bala ng 12 na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Baleno, Masbate noong Lunes.

Kinilala ng Baleno Police ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Romnick Lauro Drio, 33, may-asawa at kagawad ng Barangay Obongan-Diot ng nasabing bayan.

Sa ulat na ipinadala ni Bicol Police spokesperson P/Major Ma. Luisa Calubaquib, mahimbing na natutulog ang biktima nang dumating ang nasa 12 na rebelde, dalawa sa kanila ang pumasok at walang salitang pinagbabaril bandang alas-2:30 ng hapon.

Matapos ang pamamaril, parang walang anumang nangyari na umalis ang armadong grupo sa lugar.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng cal.45,  limang basyo ng bala ng 7.62 mm, at 27 basyo ng bala ng 5.56 mm na baril.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa brutal na pamamaslang ng mga suspek sa biktima habang patuloy ang follow up operation sa posibleng pagdakip sa mga suspek. — Doris Franche

vuukle comment

BALENO POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with