^

Probinsiya

Bangkay ng lalaki lumutang sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng lalaki lumutang sa Bataan
Ang bangkay ng isang ‘di kilalang lalaki na natagpuan habang palutang-lutang sa karagatan ng Bataan kahapon.

MORONG, Bataan, Philippines — Natagpuan ng mangingisda ang katawan ng isang lalaki na wala nang buhay at palutang-lutang sa karagatang sakop ng Morong at Bagac ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Patuloy na inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng kulay asul na damit at maong shorts.

Sa ulat ni Police Exe­cutive Master Sergeant Abdulbaser Guialalodin, may hawak ng kaso, natagpuan ng mangi­ngisdang si Marcial Gajudo bandang alas-6 ng umaga ang bangkay, may ilang milya ang layo mula sa pampang ng Morong at Bagac kung kaya’t mabilis nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente.

Kaagad namang nagtungo ang mga tauhan ng Morong Monitoring Team at Olongapo Maritime Police Station gamit ang kanilang Police Rubber Boat 04 (PRB04) na kaagad nagsagawa ng retrieval operations.

vuukle comment

LUNOD

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with