^

Probinsiya

Mister pinasok sa bahay, inutas sa harap ng 2 anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BALUD, Masbate, Philippines — Bulagta ang 39-anyos na magsasaka matapos pasukin at pagbabarilin ng gunman sa harap mismo ng dalawang menor-de-edad na anak sa loob ng kanilang bahay sa Purok Santol, Brgy. Victory ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Jonathan Almado Blancaflor, may asawa at residente ng naturang lugar.

Mabilis namang nakatakas makaraan ang pamamaril ang hindi nakilalang suspek.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, kasama ang dalawang anak na isang 12 at 13-anyos na batang lalaki habang nanonood ng telebisyon sa loob ng sala ng kanilang bahay nang biglang pumasok sa likurang pintuan ang suspek bitbit ang 12 gauge shotgun.

Sa hindi malamang dahilan ay walang ka­abug-abog na binaril sa katawan ang biktima na duguang humandusay. Hindi naman sinaktan ng suspek ang dalawang bata na mabilis na nakatakas makaraan ang pamamaril.

Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang basyo ng bala ng 12 gauge shotgun.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with