^

Probinsiya

14-anyos dinukot, ni-rape ng barangay Kagawad

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
14-anyos dinukot, ni-rape ng barangay Kagawad
Sa sinumpaang salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Jessica”, nangyari ang pagdukot at panggagahasa sa kanya ng suspek na nakilalang si Kagawad Severino Pacson alyas “Hapon”, 60-anyos noong Mayo 25, alas-10:30 sa Purok 5, Brgy. Calaba, San Isidro, N.E. habang lumitaw sa kasagsagan ng imbestigasyon na ginahasa rin nito ang dalagita noong Marso 23, 2022.
STAR/File

Tinakpan ng panyo sa mukha, isinakay sa trike

NUEVA ECIJA, Philippines — Nahaharap sa kasong “abduction with acts of lasciviousness” at “rape” ang isang kagawad ng Brgy. Calaba sa bayan ng San Isidro sa lalawigang ito, matapos ireklamo ng 14-anyos na dalagita sa pulisya.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Jessica”, nangyari ang pagdukot at panggagahasa sa kanya ng suspek na nakilalang si Kagawad Severino Pacson alyas “Hapon”, 60-anyos noong Mayo 25, alas-10:30 sa Purok 5, Brgy. Calaba, San Isidro, N.E. habang lumitaw sa kasagsagan ng imbestigasyon na ginahasa rin nito ang dalagita noong Marso 23, 2022.

Ayon kay Jessica, magpapa-load siya nang bigla siyang hintuan ng isang tricycle na minamaneho ni Pacson kasama ang dalawang babae na naka-face mask. Bu­maba umano ng tricycle si Pacson at tinakpan ng panyo ang kanyang mukha at doon na siya nawalan ng malay.

Nagising na lamang siya na nasa madilim na lugar at sinimulang halayin ng suspek hanggang sa muli siyang nawalan ng malay. Nagising na lamang umano Jessica na nasa tapat na siya ng kanilang bahay makaraang ibaba ng isang ‘di kilalang babae na kasabwat ng suspek.

Dahil sa sinapit, dito na isinumbong ng dalagita sa kanyang lolo at lola ang masamang sinapit kay Pacson.

Sa pagtungo sa pulisya, naisalaysay pa ng biktima na hindi lang ito ang unang beses siyang inabuso ng suspek. Ipinagtapat nito na una siyang hinalay ng kagawad noong Marso 23 habang wala ang kanyang mga magulang.

Tinakot at pinagbantaan umano ni Pacson ang biktima na ipatatanggal sa barangay bilang utility officer ang kanyang ina kapag magsusumbong sa kahalayang ginawa.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with