^

Probinsiya

No. 1 ‘most wanted’ sa ‘rape’ sa Calabarzon, timbog sa Quezon

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nalambat na ng awtoridad ang isang rape suspect na tinaguriang “Number 1 Most Wanted Person” ng Calabarzon region sa isinagawang pagsalakay sa pinagtataguan nito sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang most wanted na si Ronel Dimaunahan, 41-anyos at residente sa naturang lugar. Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Patricia Angeles Cataquiz-Fidel, presiding judge ng Family Court Branch 16, sa Sa­riaya, Quezon na may petsang Hunyo 3, 2022 with No Bail Recommended.

Sa rekord ng korte, naganap ang panggagahasa noong 2009, kung saan ang biktima ay 15-anyos pa lamang na halos kalahati ng edad ng suspek na noon ay 29-anyos.

Hinimok umano ng suspek ang biktimang menor-de-edad na sumama sa kanya sa bahay ng kapatid nitong lalaki sa Candelaria, Quezon at doon ay isinagawa ang dalawang beses na panggagahasa sa nasabi ring taon.

Ayon kay Col. Marlon Santos, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-4A, matapos ang mahigit isang dekadang pagtatago ng suspek ay nailagay na siya sa kulu­ngan at mabibigyan na ng hustisya ang biktima.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with