^

Probinsiya

Nurse nahulog sa zipline, patay!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Nurse nahulog sa zipline, patay!
Kinilala ang biktima na si Paul Gaayon, residente ng Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City. Siya ay idinekla­rang dead-on-arrival sa Kalinga Provincial Hospital (KPH).
STAR/ File

Nasalo ng safety net pero napunit

BAGUIO CITY, Philippines —  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking nurse matapos mahulog sa zipline sa Tabuk City, Kalinga noong Linggo ng hapon. Nasalo ng safety net pero napunit.

Kinilala ang biktima na si Paul Gaayon, residente ng Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City. Siya ay idinekla­rang dead-on-arrival sa Kalinga Provincial Hospital (KPH).

Sa naantalang ulat ng Tabuk City Police, sinabi ng kapatid ng biktima sa pulisya na si Gaayon ay nakatapos pa umano ng kanyang unang subok at naabot niya ang end point ng cable nang ligtas.

Gayunman, naging masaklap ang sumunod na nangyari nang sa ika­lawang sakay ng biktima ay dumulas umano ang kamay nito sa pagkakahawak sa zipline holder.

Dahil dito, nahulog ang biktima pero nasalo naman ng nakakabit na safety net subalit dahil sa kabigatan ng kanyang timbang ay napunit ang net at diretsong lumagapak siya lupa.

Agad na sinaklolohan ang biktima ng mga kasamahan at staff ng zipline saka isinugod sa Kalinga Provincial Hospital su­balit idineklara na siyang dead-on-arrival.

Ipinaliwanag naman ng may-ari ng private zipline facility na sumailalim muna sa orientation para sa safety measures ng kanyang mga staff ang biktima at mga kasamahan nito bago ang kanilang pagsakay.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

vuukle comment

PAUL GAAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with