^

Probinsiya

Notoryus na ‘tulak’, 17-anyos huli sa P3.4 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Notoryus na �tulak�, 17-anyos huli sa P3.4 milyong shabu
Kinilala ang suspek na si Yurie Balisoro Pavia, binata, residente ng naturang barangay, itinuturing na high value individual at dati nang nakulong dahil sa droga. Damay rin sa kaso ang isang binatilyo na pinangalanan lamang na “Boboy”, 17-anyos na tini-training umano ng pangunahing suspek sa pagtutulak.
FREEMAN/File

GUINIBATAN, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang 39-anyos na notoryus na tulak ng droga at isang minor na kanyang sinasanay na magtulak matapos na kapwa maaresto at makuhanan ng P3.4-milyong halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok-1, Brgy. Inamnan Grande ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Yurie Balisoro Pavia, binata, residente ng naturang barangay, itinuturing na high value individual at dati nang nakulong dahil sa droga. Damay rin sa kaso ang isang binatilyo na pinangalanan lamang na “Boboy”, 17-anyos na tini-training umano ng pangunahing suspek sa pagtutulak.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon sa tulong ng mga kasapi ng Guinobatan Police inilatag ng PDEA-Catanduanes at PDEA-Albay sa pangunguna ni Agent Van Dyke Fidelson at sa superbisyon ni regional director Atty. Gil Pabilona ang buy-bust laban sa mga suspek.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos dakmain ng mga nakatagong operatiba makaraang i-abot sa posuer buyer ang biniling apat na sachet ng shabu.

Nang tingnan ang dalang bag ni Pavia ay nakuha pa ang dalawang bungkos na plastic bag na may lamang shabu na tumitimbang ng 500 gramo at nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso.

Maliban dito, apat na sachet ng shabu, boodle money na ginamit sa buy-bust at mga drug paraphernalia ang nabawi sa mga suspek.

vuukle comment

DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with