^

Probinsiya

Policewoman ni-rape ng hepe sa Davao Oriental

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Pinasok sa loob ng quarters

BAGUIO CITY , Philippines — Ares­tado ang isang police major na tubong Baguio City, matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanyang tauhan na patrolwoman sa loob ng kanilang quarters sa Davao Oriental, kamakalawa.

Nahaharap sa kasong rape ang suspek na nakilalang si Police Major Warren Damogo Dilem, 35, residente ng Camp 7, Baguio City at kasalukuyang nakatalaga bilang OIC-Force commander ng 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company (DOPMFC) sa Batasan, Barangay Bagumbayan, Lupon, Davao Oriental.

Ayon sa Davao Orien­tal Police Provincial Office (PPO), ang insidente ay naganap nitong Hunyo 10, 2022 sa loob mismo ng quarters ng 2nd DOPMFC.

Sa police blotter ng Lupon Municipal Police Station, ang nasabing babaeng pulis, dalawa pang kasama at si Dilem ay nagtungo sa barracks ng 48th Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) para dumalo sa party dakong alas-8:00 ng gabi noong Hunyo 9, 2022. Nagkaroon ng inuman sa loob ng barracks at nakainom ang biktima ng isang bote ng beer habang ang mga kasamahan ay nakarami ng inom ng alak.

Matapos ang kasiya­han, ang biktima, 2 kasama at si Dilem ay bumalik na sa kanilang quarters sa Brgy. Bagumbayan. Gayunman, dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Hunyo 10, nagtungo ang biktima sa CR (comfort room) para umihi pero nang bumalik sa kuwarto ay agad siyang sinundan ni Dilem at tinabihan pa sa kanyang higaan.

Dahi dito, umalma umano ang biktima sa ginagawa ng kanyang hepe at sinabing bumalik na siya sa sarili niyang kuwarto pero imbes na makinig ang opisyal ay patuloy niyang kinulit ang policewoman at humiling pa ng yakap sa una.

Bunsod nito, umalis na lamang ang biktima sa kanyang kuwarto at isinumbong nito sa isa sa kanyang superior ang ginawa ni Dilem. Ilang minuto ang nakalipas ay umalis na umano si Dilem sa kuwarto ng biktima.

Gayunman, bandang alas-3:00 ng madaling araw (Hunyo 10), matutulog na sana ang biktima sa kanyang kuwarto nang biglang kumatok sa pintuan nito si Dilem. Nang buksan ng lady cop ang pinto ay agad nitong sinabihan ang opisyal na bumalik sa kanyang kuwarto pero itinulak umano siya papasok at ni-lock ang pinto hanggang dito na isinagawa ang panggagahasa.

Matapos ang sexual attack, natulog pa umano ang suspek sa mismong higaan ng biktima kaya nang makakuha ng pagkakataon ang huli ay mabilis na nagtungo sa ibang kuwarto ng mga kasamahang pulis.

Noong una, natakot ang biktima na magsumbong dahil sa impluwensya ng opisyal pero bandang alas-9:40 ng gabi ng nasabi ring araw ay inireport nito ang insidente sanhi upang arestuhin ng Lupon Police ang nasabing opisyal.

Ang biktima ay inasistehan ng Womens and Childrens Police Desk (WCPD) sa paghahanda ng kanyang affidavit at complaint laban sa suspek dahil sa paglabag R.A. 8353.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with