^

Probinsiya

Malakas pang pagsabog sa Mt. Bulusan, posible - Phivolcs

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULUSAN, Sorsogon - Malaki pa rin ang posibilidad na mu­ling magkakaroon ng malakas na pagputok sa susunod na mga araw ang Mt. Bulusan matapos makitaan ng patuloy na pagtaas sa mga inoobserbahang parameters nito sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa tala ng Phi­lippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) hanggang alas-5 ng umaga kahapon ay uma­bot sa kabuuang 149 na pagyanig o volcanic earthquakes. Umabot naman sa 824 tonelada ang asupre o sulfur dio­xide na ibinuga.

Naitala rin ang 100-metrong taas ng plumes o kulay puting singaw ng mainit na gas na lumalabas mula sa bunganga ng bulkan habang nagpapatuloy na inflated o namamaga ang katawan ng bundok.

Kamakalawa ay pi­nauwi na ang lahat ng mga evacuees mula sa apektadong mga barangay sa kani-kanilang bahay. Maging si Mayor Alfredo Cielo Jr., ng ba­yan ng Irosin ay nag-utos na ring buksan muli ang lahat ng kanilang tourist destinations ngunit binalaan ang lahat na ma­ging alerto at mag-ingat.

Kaugnay nito, muling binalaan ng Phivolcs ang lahat ng residente at bisita na iwasang pumasok sa ideneklarang apat na kilometrong permanent danger zone at 2-kilometrong extended danger area.

Nananatili sa Alert Level 1 ang status ng bulkan kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at huwag pupunta sa mga idineklarang danger zone. - Angie Dela Cruz

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with