^

Probinsiya

‘Tanggapan ni ex-Gov. Chavit Singson, nabiktima kambal plaka’ ginamit sa tangkang pagdukot sa dalagang service crew

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Plaka ng isang sasakyan na ginagamit mula sa tanggapan ni dating Ilocos Sur Governor at ngayo’y Narvacan Mayor Luis” Chavit” Singson ang ginaya ng sindikato at ginamit umano sa tangkang pagdukot sa isang 19-anyos na dalagang service crew sa Bacoor City noong madaling araw ng Mayo 23, 2022, na nag-viral sa social media.

Ito ang ibinunyag ng Cavite Police Provincial Police Office (PPO) sa isinagawang weekly press conference sa pamamagitan ng Zoom sa Camp Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Corporal Jessie Villanueva ng Bacoor City Police, ang plakang WRO 542 na ginamit sa tangkang pagdukot sa biktimang si Jamaica Espiritu alyas “Jamie”, service crew ng isang kilalang fast food chain, ng Brgy. Bayanan, Bacoor City, Cavite ay nakapangalan sa “Blend Commercial” sa Aurora Boulevard, Cubao Quezon City at sa isang Isuzu Wagon.

Ayon pa kay Villanueva, ang natukoy na plaka ay isa sa mga plaka ng sasakyan na ginagamit sa tanggapan ni Singson. Gayunman, nilinaw niya na ito ay isang “kambal plaka”.

Sinabi rin ni Villanueva na hindi rin alam sa tanggapan ni Singson na nagamit na “kambal plaka” ang plaka ng isa nilang sasakyan.

Matatandaan na nakuhanan ng Closed Circuit Television (CCTV) sa barangay na nakakasakop sa lugar ang plaka ng sasakyan na ginamit ng tatlong suspek, bagama’t hindi muna ito ibinunyag habang nakikipag-ugnayan pa ang pulisya sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).

Dakong alas-2:46 ng madaling araw noong Mayo 23, 2022 ay naglalakad papauwi ang biktima sa Brgy. Bayanan subalit pagsapit sa harapan ng Aglipay church nang huminto sa kanyang harapan ang isang kulay pula na Toyota Wigo. Nakuhanan ito ng CCTV ng katapat na bahay na ini-upload sa Facebook na agad nag-viral sa social media.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya maging ang posibleng may kaugnayan ang nasabing insidente sa pagdukot naman sa isang babae sa Las Piñas City. 

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with