Face mask ‘di na mandatory sa Cebu, partikular kapag nasa labas
MANILA, Philippines — Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa Cebu province partikular kung nasa labas.
Base sa Executive Order ni Gov. Gwendolyn Garcia kailangan na lang ang face mask sa closed o sa airconditioned places.
Optional na lang ito sa mga well-ventiliated at open spaces na lugar.
Pero magiging obligado ito sa lahat ng lugar kung mayroong sintomas ng COVID.
Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque na bahagi pa rin ng minimum healty standard ang pagsusuot ng face mask.
Malaki umano ang nagawa nito para malabanan ang banta ng COVID kasabay nang pagsasabing nandyan pa rin ang virus kaya hindi dapat maging kampante at patuloy na mag-ingat.
Ipinadala rin ng DOH na nananatiling mandatory ang face mask sa ilalim ng panuntunan na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).
- Latest