^

Probinsiya

Machine operator nabagsakan ng yero, lasog

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Dead-on-the-spot ang 22-anyos na operator ng roll forming machine matapos na askidenteng mabagsakan ng rolyo ng yero sa isang factory sa Sto. Tomas City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawi sa aksidente na si John Lloyd Maano, taga-Poblacion, San Pascual, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon, habang nagtatrabaho ang biktima sa nasabing establisimyento bilang machine operator kasama ang mga katrabaho niya at tinutulak nila ang trolley na may kargang isang rolyo ng color roof nang aksidente umanong nakalas ang trolley mula sa railings.

Sa kamalasan, bumagsak ang rolyo ng color roof sa ulo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng nasabing establisimyento sa insidente.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with