^

Probinsiya

Elf truck bumulusok sa kanal: Mag-ina dedo, mister at anak sugatan

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANDRES, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang babaeng negosyante at anak na paslit, habang malubhang nasugatan ang kanyang mister at isa pang anak na menor-de-edad makaraang bumulusok sa kanal ang kanilang sinasakyang Isuzu elf truck sa Sitio Dao, Barangay Talisay sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa San Andres Rural Health Unit ang mga biktima na sina Rosemarie Abonales, 43, at ang 2-anyos na anak na itinago sa pangalang Andy habang ginagamot sa Bondoc Peninsula District Hospital sa Cata­nauan, Quezon, ang mister nitong si Reynaldo, 49, at isa pa nilang anak na 17-anyos na si Mart; pawang mga residente ng Brgy. Pugawan, San Francisco, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, galing sa Lucena City ang mga biktima at pauwi na sa kanilang bahay sa San Francisco at sakay ng Isuzu elf truck na kargado ng iba’t ibang mga paninda nang maganap ang trahedya.

Habang binabagtas ng sasakyang minamaneno ni Reynaldo ang San Andres-San Francisco Road dakong alas-8:30 ng umaga ay napaidlip ang mister sa harap ng manibela kung kaya’t nagpagewang-gewang ang takbo ng kanilang sasakyan saka tuluyang bumulusok at nahulog sa kanal sa gilid ng kalsada.

Dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mag-ina na ikinasawi nila sa ospital kinalaunan.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with