^

Probinsiya

Shabu dealer sa Baguio, hinatulan ng‘life’

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Shabu dealer sa Baguio, hinatulan ng�life�
Si Anthony Rosal (na hinatulan ng life imprisonment ng korte), nang masukol ng NBI at PDEA agents dahil sa pagbebenta ng shabu na nagkakaha­laga ng P122,000 noong Oktubre 1, 2020 sa pinagtataguan nitong bahay sa may Wagner Road, Brgy. Military Cut-off sa Baguio City.
Artemio Dumlao

BAGUIO CITY, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad na hatol kahapon ng korte sa isang tinaguriang “batang shabu dealer”dahil sa pag-iingat ng nasa P122,000 na halaga ng shabu sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad noong Oktubre 2020, dito sa lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Sa desisyong inilabas ni Baguio Regional Trial Court Judge Rufus Malcdem, bukod sa “life imprisonment” ay pinagbabayad ang akusadong si John Anthony Rosal, na ngayon ay 30-anyos na, ng multang P500,000 at iniutos din na sumailalin siya sa 1-taong drug use rehabilitation.

Si Rosal ay nakulong noong Oktubre 1, 2020 at kinasuhan matapos masukol sa pinagtataguan nito sa ilalim ng isang higaang kahoy sa loob ng isang bahay na kanyang tinakbuhan habang tinatakasan ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng 18.02 gramong shabu.

“We came to know he was already indicted here for selling more than 9 years ago when he was still 21,” ayon kay Atty. Cesar Bacani, NBI-Cordillera regional director.

“The conviction is yet another success of the government’s fight against illegal drugs,” dagdag ni Atty. Bacani kasabay ng pagbibigay nito ng papuri sa korte, government prosecution panel at sa NBI sa pagsisikap na isulong ang drug case laban kay Rosal hanggang sa mahatulan ito.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with